top of page

POESIA UNO:

MENSAHE

By: Adrian Jay De Villa

Piso man ay may mukha’t bibig

Ngunit ang boses ay hindi madinig

Gayong kabataan ay malilihis

Pag-iisip na tuwiran ang siyang titiis

 

Oo! Kayong mga kabataan

Ay syang tanging pag-asa ng bayan

Dugo’t lakas namiy sana

Ay wag mauwi sa wala lamang

Pagka-pilipino mo’y iyong isakatuwiran

Sumulat si Rizal para tayo’y matauhan!

 

Turo ni Simoun ay gumanti at manlaban

Sa mga dayuhang mestizo, espanyol na tumabang,

Sa mga karapatan na dapat ay ating nakamtan

Mali’y hindi matutuwid 

Pag maling kapalit ang binigay

 

Kung anong iyong itinanim

Ay sya ring iyong aanihin

Iyong pakatatandaan na

Walang nagtanim ng mais

Na palay ang nakamit

Magtanim ng kabutihan sa iyong kalooban

Dahil sadyang mabuti ang Diyos

Siya’y walang pinapanigan

 

Salamat mga mang aapi!

At patawad sa susunod na mangyayari

Dahil kayo’y hahatulan na

Tadhana nyo’y hanggang dito na lang

Tama na ang tatlong daan at tatlongput-tatlong taon

Tigil na! Ito’y oras na naming mga Pinoy….

Ya somos independientes!

bottom of page