POESIA DIEZ:
Maria CLARA
By: Adrian Jay De Villa
Ikaw! Oo ikaw, dalagang mala-rosas ang labi
Balat ay labas na labas na
Tila tela’y kinulang pa sa habi
Ba’t ganyan ang iyong kasuotan?
Respeto ang iyong nais
Pero nakabuyang-yang ang
Mga tinatago mong yaman
IKAW AY MAGDAMIT!
Hindi lahat ay gaya ni Simoun
Pagkadalisay ng kababaihan
Ang siyang ipakita mo doon
Hindi ‘yung balat, kutis porselanang
Hindi uso ang kulubot
Ito’y iyong tatandaan
Bihira ang lalaking
Sa ganyang katayuan mo’y
Lubos sayong magmamahal
Dalagang Pilipina
Yan ang turing nila sa akin
Mahinhin, konserbatibo at dalisay pa man din
Pagtingin ma’y hindi ganun kataas
At inihambing sa palamuti
Ako pa din ang simbolismo!
Sinaunang Pilipina’y ako’t ako pa rin
Ako si Maria Clara
Simbolismo ng Sinaunang Pilipina
Simple, inosente
Inabuso ng mga prayle
Kahit suot ay disente
Tanging mensahe ko sa inyo’y
Respeto sa sariling katawan
Ang siyang basehan
Nang pagkadalisay ng mga kababaihan