POESIA SYETE:
Para kay Ibarra, Nagmamahal Clara
By: Rancel Joy Ramirez
Juan, mahal ko, nais kong malaman mo,
Umalis ka man dito sa tabi ko,
At tuluyan na ngang lumisan sa mundo,
Nanatili ako, at patuloy na mananatili sa iyo.
​
"Clara, iniibig kita tulad ng pag-ibig ko sa ating bayan."
Rinig at ramdam ko ang sinseridad sa bawat salitang binibigkas mo,
Itong mga katagang ito ay panghahawakan ko.
Subukin man ako ng kahit na sino.
Oo, mahal, hahamakin ko, kahit pa ang mundo,
Sinusumpa ko, ang pag-ibig ko ay para lamang sa iyo,
Tanggap ko ang aking kapalaran,
O kahit maging ang kamatayan,
Masakit man ito sa akin,
Oh, Ibarra, ngunit ikaw lamang nais kong ibigin.
Iyong pakakatandaan, ating pagmamahalan, hinding hindi ko malilimutan.
Babaunin ko ang bawat alala nating dalawa.
Aalahanin ko bawat segundo, ikaw, ako at tayo.
Regalo mong pag-ibig ay aking dadalhin.
Rito sa kabilang mundo kung saan walang hahadlang sa atin.
Aking mahal, pangako, magtatagpong muli ang landas natin.