top of page
Anchor 1
toppng_edited.png

Pagsaludo para sa mga magigiting na mandirigma sa unahang linya ngayong may giyera laban sa pandemya.

    Walang kahit anong tutumbas sa kabayanihan ninyo na aming mga kababayan, mula sa loob at labas ng larangang medikal, na sumasagupa sa isang hindi nakikitang kalaban. Bagaman nangangambang mahulog sa hukay ang isa pang paa, maging para sa buhay ng pamilyang hindi muna mayayakap, araw-araw ninyong sinusuong ang panganib na dulot ng sakit na ito. Idagdag pa sa pagsubok ang kakulangan sa sandata at kalasag na hindi maipagkaloob ng unang-unang inaasahan ninyong kasangga.

 

    Sa kabila nito, buong puso't kaluluwa naming itinataas ang bandera ninyong mga bayani ng bansa, sa hangaring maipadama na kaisa ninyo kami sa panawagang matugunan ang inyong pangangailangan. Ito ay upang sa gayon ay matulungan din kayong makapaglingkod pa, gaya ng lagi ninyo nang adhikain.

 

     Sinasaluduhan din namin ang mga bayaning tuluyan nang nagbuwis ng buhay sa kalagitnaan ng pakikidigma; mananatili kayong nakaukit sa aming mga diwa bilang simbolo ng kagitingan. Ikinararangal kayo ng masang Pilipino. Ikinararangal namin kayo.

 

Kami'y mananatiling kaanib ninyo.

toppng_edited.png

ILAHAD ANG IYONG MGA SALOOBIN:

Proyekto para sa asignaturang "Life & Works of Rizal"

Hulyo - Agosto 2020

bottom of page