top of page
PAHAM

Mi Ultimo Adios

Pagsilay ng Hiyas sa Marikit na Sinilangan

By:Kamile Joy R. Sajuela

Unang bayani atin nakilala

Binuwis ang sariling buhay para sa sambayanan

Hindi nag dalawang isip, bansa ay tulungan

Sapagkat Inang bayan ay nangangailangan.

Daming ginawa upang mata nati'y mabuksan

Sa lahat ng pang-aabuso sa atin kapwa mamamayan

Sumulat ng mga akdang naging susi sa lahat

Upang tayo mga Pilipino'y sa pang-abuso'y maimulat.

Mi Ultimo Adios, huling tulang isinulat ni Rizal

Huling tula nasulat bago mapatay ang Bayaning si gat Jose Rizal

Tulang inilarawan sa kanya'y bayan pagpapahalaga

Sa Inang Bayan, sa mga mamamayan, at sa kulturang atin lamang talaga.

Kanya talagang minahal ang bayan nyang sinilangan

Nagbigay pugay sya, sa mayamang kalikasan

Sa bayang nagbigay rin sa kanya ng di maraaok na kaligayahan

At sa bayan rin buhay nya'y pinag-alayan.

Mi Ultimo Adios sa lingguwahe ng español

Samantalang My Last Farewell naman , sa engles na version

Ano nga ba ang mensahe nito sa, atin panahon?

Para raw sa bayan at sa ngayo'y henerasyon.

Inilarawan ni Rizal ang ganda taglay ng bansa sinilangan

Pilipinas nga pala ang bansang pangalan

Binalikan kanyang ala-ala noong kanyang kabataan

Paghangad nya ng perpektong konsepto ng isang bayan.

Sa kanyang pagbalik-tanaw, silbi nya bilang tao'y kanyang natanaw

Pinagkalooban ng Diyos ng matalinong utak at mahusay na pananaw

Mithiin nya'y bayang makitang masaya't malaya

Sa kamay ng mapang-abusong , mestisong madaya.

Sa tula'y binanggit , ang buong pagpapakasakit ng ibang mamamayan

Para sa ikabubuti ng ating minamahal na bayan

Imahen ng pakikibaka't pagbubuhos ng dugo'y kinilanlan

Kapalit ng pagsilay ng hiyas sa marikit na sinilangan.

Sa tula ay nabanaag din , ang madamdaming mga habilin

Para sa mga maiiwan, ang puntong nais sabihin

Mariin na pamamaalam sa mahal na kapatid't mga magulang

Bilang pagtanda ng pagmamahal at paggalang.

Sariling kamatayan, ay buong dignidad nyang tinanggap

Sa kaloobang nakita nya't natupad ang pinapangarap

Natupad nyang layuning, ipakilala ang Pilipinas

Sa taglay nito ganda kaya nya ipinamalas.

Wagas na pag-alay ng buhay ni Rizal, ang sinasalamin ng tula

Ipina-ubaya ang sariling buhay, para sa kapakanan ng madla

Isa itong kulminasyon sa mithiin nyang kalayaan para sa Inang Bayan

Simula't isilang sya't mamulat sa mundo at lipunan.

Mi Ultimo Adios, huling tulang naisulat ni Rizal

Panghuling mensahe, sa kapwa pilipino ukol sa kasarinlan

Paghangad ng kapayapaan at sya rin pakikipaglaban

Kapayapaan laban sa karahasan, at pag-ibig tungo sa kalayaan.

12 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page