POESIA DIECISYETE
Kirot sa Likod ng Paglaya
By: Frances Gem Zaraspe
Juan Crisostomo Ibarra ang ngalan ng isang binata
Kilala siya bilang mabuting anak sa kangang ina at ama
Likas na talino ay taglay niya
Higit itong nahasa nang magpunta siya sa Espanya.
​
Isang dalaga ang nagpa-ibig kay Ibarra
Kilala ito sa tawag na Maria Clara
Larawan ng isang tunay na dalagang Pilipina
Mahinhin at may nakaka-akit na ganda.
​
Pagmamahalan ng dalaga't binata'y sinubok ng panahon
Nagkalayo ng mahigit pitong taon
Ngunit di nagpatinag sa anumang hamon
Nagtiwala at tinanggap ng maluwag ang naging sitwasyon.
​
Saya ang nakita nang magtagpong muli ang dalawa
Tila ito'y isang panaginip na ayaw nang magising pa
Ngunit saglit lamang pala itong ligaya
Dahil napagkasunduan na ipakasal si Maria sa isang Kastila.
​
Masakit man sa kalooban ang nararamdaman
Hindi ito nag-udyok upang gumanti kaninuman
Nagpa-ubaya at ibinigay ang kalayaan
Kapalit ng katahimikan at kapayapaan