top of page

POESIA KINSE:

HInagpis ni sisa

By: Francis Seneca

Ngalan ko'y Sisa, isang hamak na simpleng may bahay
Nagkaroon ng biyayang anghel,  Basilio... Crispin.. ang ngalan

Isang inang laging gumagabay

Hangad lang ang kapakanan ng anak ngunit akoy luka kung tinagurian

​

Sumapit ang linggo at araw na naman ng trabaho
Kailangan tapusin at piso rin kikitain rito

Wala man magawa at ito pinagkaiba ng dukha sa mayaman

Kayod ng kayod dahil sa karukhaan


Sandali... May tumatawag sa akin...

Ang aking Basilio, isang kriminal? Ang aking Crispin, isang kawatan?
Hindi yan totoo! Paumanhin at sanay ako'y inyong paniwalaan
Kahit isa lamang akong babaeng wala pinagaralan
Pagtatanggol ko aming karapatan


Dumating ang gabi
Ngunit hindi ang aking mga supling
Ikaw, nakita mo ba ang mga anak ko?
Uwi na kayo mga anak... Crispin! Basilio!

bottom of page