top of page
POESIA CINCO:
Magbabangad
By: TIffany Mae Nuelan
tiyak ang kaniyang bawat hakbang,
rinig sa bigat ng bawat paghalik
ng kaniyang sapin sa paa
sa lupang pinagyaman ng dugo’t pawis
ng mga patay na hindi nananahimik
ang kapangyarihang dala-dala
​
marahas ang kaniyang bawat salita,
wari’y pinanday gamit ang pinakamatigas na bato
hinulma upang maging napakatulis, mapanakit
walang-awa sa pagbangit, paulit-ulit
ng mga tadhanang sa mga tala ay hindi nakaukit
ng mga nabubuhay na hindi makaimik
maaaninag sa kaniyang mga mata
ang walang kapantay na kapalaluan
hindi alintana ang hindi matigil na mga daing
ng mga biktimang ang tanging hiling
ay ang matapos na ang kanilang bangungot
na ang pagdalaw ay hindi sa malamig na gabi
bottom of page