top of page

POESIA SAIS:

Para kay Clara, Nagmamahal Ibarra

By: Rancel Joy Ramirez

Mahal, lubos akong nagsisisi
At nagdadalamhati.
Responsibilidad kong ikaw ay ingatan,
Ibigan ka at ipaglaban, ngunit ako ay nahuli.
At sa pagbabalik ko'y hindi na pala kita mahahagkan pang muli.

​

Clara, pangako, aking sinta.
Lalaban ako at ipaghihiganti kita.
Alam kong labis kang nasawi,
Ramdam ko ang 'yong bawat pighati, patawad
At sa paglisan ko'y ikaw ang naging sukli.

​

'Di ko malilimutan ang kinang ng iyong mga mata,
Elegante mong galaw at munting mga halakhak,
Labis na umibig itong puso kong payak.
Oras ay hindi ko na maiibabalik,
Sumpaan nating habambuhay na pag-ibig, hindi na makakamit.

​

Sana ay mapatawad mo ang hindi ko pagpapaalam.
Ang pag-ibig mo ay aking pagkaiingatan.
Naway nasa mabuti kang kalagayan,
Tutuparin ko ang ating mga pangako,
Oras ko'y 'di na muling sasayangin,
Sapagkat napatunayan kong ang tadhana ay traydor din.

bottom of page