Bayani
- rizalsobresaliente
- Aug 1, 2020
- 2 min read
ni Abigayle Vince-Cruz

Daang taon na ang naglaon nang tayo’y nakulong sa sariling bansang nagsilbing tahanan ng bawat isa. Hindi ma wari kung sino ang tunay na nagmamay-ari kaya’t mga dayuhan pilit inaangkin at sila raw ang may-ari. Dulot nito’y masalimuot na kahapon na di nagtagal naging bahagi ng kasaysayan. Mga dayuhang walang layunin kundi nakawin at abusuhin ang mga mamamayang nagmamay-ari. Ngayong malinaw na kung sinong may karapatan sa mga sampit lamang, ang pag alsa at pagkamit sa kung anong dapat ang atin ay hindi na matutuldukan. Hindi na maaatim ang harap harapang pang aabuso ng mga dayuhang namumuno. Sa kabila nito, isang kaisipan ang namayani sa bawat Pilipino, ang paghihimagsik.

Bayani man maituturing ang bawat Pilipinong nagbuwis buhay para sa ating bansa, ilan sa mga ito ay buong buhay ang inalay makaalpas lamang sa tanikalang mahigpit na nakayakap. Siya ay mas kilala sa pangalang Jose Rizal na ang naging matibay na sandata’y pluma at papel laban sa mga dayuhang naluklok sa kapangyarihang kalian ma’y hindi naging karapatdapat. Nais niya’y reporma taliwas sa nag babagang rebolusyong gusto ng karamihan. Sapagkat ani niya’y hindi sapat ang mga sandata laban sa mga dayuhan na tunay ngang makapangyarihan. Ginamit niya ang kanyang mga sandata bilang lampara sa madilim na daan tungo sa kalayaang matagal nang inaasam.

Bawat sinag nito’y nagbigay liwanag sa kaisipan ng bawat Pilipino kung ano ang tama at dapat ipaglaban. Kasabay nito ang pag usbong ng mga kilusang sumasalungat sa kabalukturang sistema. Ilan sa mga kilusang ito ay ang Katipunan at Propoganda Movement na may iisang mithiin at hangarin. Gayunpaman, kapwa ito’y sinangkapan at sinuportahan ni Rizal. Hindi man siya dumalo sa mga digmaan, ngunit isa naman siya sa mga sanhi kung bakit ito’y umiral at namayani ang nasyonalismo. Taos pusong tinanggap ang kapalaran kahit kamatayan kung ang kapalit naman nito’y kalayaan.
Comentarios