-Escano
Ang ating pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal ang isa sa mga nagsilbing inspirasyon para gawin natin an gating mga tungkulin. Ang mga nagawa niya sa bayan ang nagpapatunay na dapat siyang respetuhin at pahalagahan ng lahat. Isang pagsubok ang paalisin sa sariling lugar at manirahan sa lugar na hindi natin nakasanayan. Kailangang magsimula ng panibagong buhay at harapin ang bawat araw na dadating.
Si Rizal ay nanirahan sa Dapitan ng mapayapa at pangkaraniwang, isa sa hinangaan sa kanya dahil nagawa niyang maglingkod upang mapaunlad ang lugar. Isa sa binigyan niya ng halaga ay ang edukasyon na hindi natatanggap ng mga kabataan doon, bilang kapalit hinahayaan niyang paglingkudan siya sa pamamagitan ng pagtulong sa kanya gaya ng pagsasaayos ng kanyang hardinan. Ito ay hindi lamang para sa kanya kundi para rin may mas maayos na kapaligiran ang mga batang tinuturuan niya. Bukod sa pagiging guro, naging isa rin siyang inhinyero at doctor. Nagagamot siya at tumatanggap ng kapalit sa kung anong makakayanan ng mamamayan.
Namuhay siya ng mapayapa sa lugar at marami na rin siyang napaunlad dito. Ngunit sadyang hindi siya tinigilan ng mga Espanyol, nagpakalap ng mga espiya upang bantayan at alamin lahat ng hakbang ni Rizal. Hindi nito nalimitan ang hangarin ni Rizal na tumulong sa bayan, hindi ito naging hadlang para tumigil siya sa pagbibigay ng tulong at gabay sa mga tao. Dito rin niya nakilala ang binibining minahal niya hanggang sa huli. Marami siyang nagawa bilang isang mamamayan. Habang nagbibigay ng gabay, kumikilos din siya kasabay ng mga ito.
Ang higit sa apat na taong pamumuhay ni Dr. Jose Rizal sa Dapitan ang nagpapaalaala satin na kahit may mga hadlang tayong kinakaharap, kailangan natin ipagpatuloy an gating mga nasimulan. Pahalagahan kung anong mayroon tayo at mamuhay ng payapa. Gawin ang mga nais natin, ngunit kailangan nating alalahanin kung ano ang mga resulta nito, alamin kung hanggang saan lamang dapat. Huwag nating aalisin sa atin ang pagaalala sa iba at pagbibigay ng mga kaalaman natin. Kagaya ni Rizal, lahat tayo ay may suliranin. Siya ang bayani ng Pilipino dahil siya ang lumaban para sa kapayapaan ng walang hinihinging kapalit. Ang pagmamahal sa bayan at pagmamalasakit sa bawat mamamayan.
Comentários