top of page
PAHAM

“Kapayapaan sa likod ng Huling Paalam”


Repleksyon sa Panulat ni Darlene Francia

“Pinipintuho kong Bayan ay paalam,

Lupang iniirog ng sikat ng araw,

mutyang mahalaga sa dagat Silangan,

kaluwalhatiang sa ami'y pumanaw.”

Ito ang mga unang linya sa kanyang Huling Paalam, ang paalam ng isang tunay na magiting. Sa likod ng hinagpis sa kanyang pagwawakas, makikitang and bawat letra ay puno ng pag-ibig. Hindi ito salita ng isang nagdadalamhati, ito ay salita ng isang malaya, salita ng isang taong walang pinagsisihan. Isang taong tunay na nagtangi at nagmahal.


Makikita sa pagitan ng mga linya ang ngiti sa labi ng isang bayani. Mararamdaman mo ang kanyang kagitingan at hindi ang kanyang pighati. Makikita mo ang prinsipyong kanyang pinandigan, na hangang ngayon ay maririnig mong isinisigaw ng taong bayan. Isang tula na hanggang ngayong nakakarating sa puso at isip ng kung sino mang ito’y babasahin, isang mensahe, isang paalam at isang hiling.


Walang pag-iimbot at walang takot sa kanyang puso, handa nyang ialay ang kanyang dugo, handa nyang ialay ang kanyang buhay sapagkat alam nyang ito para sa kanyang bayan. Karangalan ay hindi nya hiningi ngunit sa kanya’y hindi ipinagkait. Ang kanyang tanging nais ay sa kanyang huling sandali ay makita nyang ang bayan nyang sadyang marikit.


Ang kinabukasan ay kanyang tiningnan ng walang bahid ng pag-aalinlangan. Itoy kanyang nakita at ito’y nagbigay kalayaan, Ito’y nagbigay ng kapayapaan, sa kanyang isipang patungo sa kalangitan. Ang simpleng hiling ng katahimikan, na sa kanya’y ibigay sa kanyang huling hantungan, ang init ng araw sa bukang liwayway, mula sa bayan na kanyang pinakaingatan.

Ang kanyang mga hiling sa kanyang mga dalangin kay Bathala, ay para sa kanyang bayan nyang sadyang mangungulila, para sa mga bilanggong nagsisipagdusa, para sa mga tumatangis na hiling nya’y guminhawa. Ang iniwang ala-ala ng isang bayani, tanging sa kanyang mga sulat at letra natin mababatid, ang kanyang adhika na puro at walang bahid, para ang kariktang minsa’y kanyang nasilip, sa kasalukuyan atin ring makita at ating isaisip.

Para sa iyo, Dr, Jose Rizal, bayaning sa buong mundo’y aming ikinararangal. Sa iyong mga aral na naging ilaw ng aming mga isipan sa gabing mapanglaw. Ang pula ng iyong dugong sa lupa’y dumilig, sa ating bansang noo’y naghihinagpis, sana’y hindi nasayang at napunta sa wala. Sa iyong pasilip mula sa kalangitang payapa, larawan ng bayan mong mahal, puno ng kariktan at sadyang pinagpala.

“Pag pasasalamat at napahinga rin,

paalam estranherang kasuyo ko't aliw,

paalam sa inyo, mga ginigiliw;

mamatay ay siyang pagkakagupiling!”

Sa pagitan ng papel at ng tinta,

Kapayapaan ang sana’y iyong nadama.

[Inserts used are from Tagalog Version of “Mi Ultimo Adios” sa salin ni Andres Bonifacio]

No Copyright Infringement intended

For Educational purposes only

3 views0 comments

Recent Posts

See All

Ang Buhay ni Rizal sa Dapitan

-Escano Ang ating pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal ang isa sa mga nagsilbing inspirasyon para gawin natin an gating mga...

Mi Ultimo Adios

-Saira Cantal “Paalam na sintang lupang tinubuan bayang masagana sa init ng araw. Eden maligaya sa akin pumanaw at perlas ng dagat sa...

The Retraction

-Danica Escobar Ang isang bayani ay isang taong hinahangaan ng lakas ng loob at marangal na mga katangian. Ito ay isang taong handang...

Comments


bottom of page