-Saira Cantal
“Paalam na sintang lupang tinubuan bayang masagana sa init ng araw. Eden maligaya sa akin pumanaw at perlas ng dagat sa dakong Silangan”. “Inihahandog ko ng ganap na tuwa sa iyo ang pusong naimbit naaba”. Ang aking kalayaan na minimithi ay kahit makamit ko sa kabila ng aking kamatayan ay masaya kong tatanggapin kung ito’y sa kapakanan ng aking Inang Bayan ito ang isa sa magandang halimbawa na napulot ko sa tula ni Rizal sa kanyang huling paalam. Sa simula pa lamang ng kanyang kabataan ay hinangad na ni Riza na maligtas ang kanyang bayan sa hirap at kalungkutan. Sa isip at puso ni Rizal isa lamang ang kanyang minimithi ang umunlad ang kanyang bayan at magkamit ng kalayaan, at sakanyang paglisan hangad niya na siya ay dalawin sa kanyang puntod at ito’y nangangahulugan na hindi siya nalilimutan.
Sa isip ni Rizal nais niyang maging makabuluhan ang kanyang paglinisan sa pamamagitan ng kanyang mga akda na sa panahon ngayon ay nananatiling makabuluhan sapagkat bunga ito ng kanyang hinagpis at daing, pagsulat ang kanyang naging lakas para ipahayag ang kanyang saloobin. Sa loob ng piitan naging saksi ang apat na sulok ng silid upang malaya niyang matapos ang kanyang mga akda. Ang Mi Ultimo Adios ay sumisimbolo sa huling pamamaalam ni Rizal sa kanyang inang bayan hinihikayat niya ang kabataan na gamitin ang angking talino na maipagmamalaki ng Inang Bayan. Sumisimbolo ang Mi Ultimo Adios sa pagpapahalaga ni Rizal sa kanyang Inang Bayan, sa mga mamayan at sa kultura na kanyang iniwan. Binalikan niya ang kanyang pagkabata hanggang sa pagkamulat tungo sa paghangad ng isang malaya at payapang mundo para sa lahat.
Sa naging buhay ni Rizal hindi naging hadlang ang kahirap bagkus biniyayaan siya ng malakas na kalooban at matalinong kaisipan. Sa mga huling sandali ng buhay ni Rizal ipinaubaya niya ang kanyang sarili sa Inang bayan na naging lakas at kahinaan niya, ang buong nais lamang niya para sa bayan ay ang mabigyan ng kapayapaan laban sa kaharasan at pag-ibig tungo sa kalayaan. Hindi matatawaran ang mga alaala na iniwan ni Rizal sa kanyang Inang Bayan larawan ito ng wagas na pagmamahal hindi lamang para sa sarili bagkus para sa lahat. Sa huli nangibabawa ang pagkamit ng kalayaan kahit pa sa pagbuwis ng sariling buhay ang nakasalalay
Comments