top of page
PAHAM

Mi Ultimo Adios

Dakilang Bayani

By: Kyla Mary S. Guste

Sa iyong paglisan

O! aming dakilang Rizal

Huling tulang paalam mo'y

Kailan man hindi malilimutan .

Sa iyong mga tula

Na iyong inilathala

Ipinaramdam mong

Mahalin ang ating bansa

Itong tula na iyong ginawa

Ay para sa iyong kapwa

Nag hudyat ng simula

Para sa mabuting gawa

Kung paano kami'y mamulat

Sa kung anong kinahaharap

At magiging hinaharap

Ng ating Bansang naghihirap

Sa iyong mensahe ipinadala

Iyong ipinakita at ipinadama

Kung gaano mo kamahal at ipinaglaban

Ang sa mga Pilipino'y karapatan

Tunay na isa kang dakilang bayani!

Ang sa lahat ay sa iyo'y nagbubunyi

Kaming lahat ay iyong napahanga

Sa sakripisyo mong iyong ginawa

Sa huling paalam na iyong tula

Mensahe sa amin ay iyong ipinaunawa

Na kami mga Pilipino ay huwag basta agad magtiwala

Sa mga dayuhan di katiwa-tiwala

Tulang nagpakita nang maging makabayan

Gumawa ng mga bagay na di lang pansariling kapakinabangan

Kundi umisip rin ng makabuluhang paraan

Para makatulong sa bayang sinilangan

Kahit si Rizal ay nasa kanya ng huling sandali

Pagmamahal nya sa Pilipinas ay nananatili

Paghihirap ay di pinansin

Sapagkat pagmamahal sa bayan ang siyang mithiin

Sariling bansa ay atin pagka-ibigin

Atin itong pagyamanin at pagkamahalin

Tulad ng nais ni Rizal na bansa'y huwag limutin

Dahil ito'y atin at sa kahit sa huli, ay mananatiling atin.

11 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page