Talino’t Tapang
By: Alvarez
Dakilang bayani sa pagdako mo sa Dapitan
Hindi naging madali ang tinahak na daan
Samo't saring hirap at dusa ang kailangan
Maitaguyod lang ang bansang sinilangan
Kamangha manghang talino sa medesina
Ginamit upang mahihirap ay isalba
Busilak ang puso mong nagbibigay pag-asa
Karapat-dapat hangaan ng kababata
Pagdiskubre sa iba't ibang uri
Ay hindi naging hadlang sa iyong pag lagi
Draco, Apogania, Rhacoporus Rizzali
Tila iyong ngalan ay nakakabighani
Sa pagsikat ng araw at paglubog ng buwan
Hindi kinalimutan ang pinaglalaban
Kahit ang oras ay malapit ng matuldukan
Dugong bughaw ay nalalagi sayong katawan
Sumapit na ang araw para sa ating bayan
Na sa pagkalabit ng gatilyo'y may kalayaan
Buhay ng isang bayani bilang kabayaran
Nagbigay liwanag sa madilim na kasaysayan
Comments