top of page
PAHAM

Rizal in Dapitan

-Emma Manzano

Para sa isang tao na nakatakda na ang kamatayan, normal lamang na maisaisip mo ang halaga ng iyong naging Buhay. Kung may nagawa ka na bang tama sa maraming tao, o kung nabuhay ka ba ng naayon sa iyong gusto.


Si Jose Rizal ay isa sa pinaka kilala at pinakamatapang na bayani sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang kanyang kabayanihan ay nagbigay ng maraming aral sa bawat Pilipino at ang kanyang kontribusyon ay nakatatak na sa isip ng maraming mga tao. Ang kanyang nakataktang eksekyusyon ay itinalaga upang makapag nilay siya sa kanyang mga kasalanan sa Espanya. Ngunit hindi ito naging hadlang sa kanya. Mas lalo niyang pinagbutihan sakanyang larangan at marami pa din ang kanyang tinulungan. Sa kabila ng kanyang sitwasyon ay inisip pa din niya na magkaroon ng magandang ala-ala sa kanya ng mga tao. Pinagpatuloy niya ang paggawa ng mabuti at pakikipagkapwa di lamang sa Dapitan, kundi pati na din sa ibang lugar.

Nagkaroon si Rizal ng makabuluhang Buhay sa kanyang apat na taon na pammalagi sa DApitan. Sa kabila ng nakatalaga niyang eksekyusyon, ay nag-aral pa din siya ng medisina at marami pang kurso. Siya ay naging isang doctor, guro at mananaliksik. Isa siyang napakabait na guro sa Dapitan. Hindi niya kailanman siningilan ng bayad ang kanyang mga estudyante at sa halip ay pinatulong na lamang niya ang mga ito sa kanyang pagtatanim . Tinuruan niya din ng iba’t ibang lenggawhe ang mga ito tlad ng Spanish, Ingles, matematika at kung pano gamitin ang mga ito sa pang araw araw na Buhay.


Bilang isang doktor, nagtayo siya ng isnag clinic at namimigay siya ng libreng mga gamot. Ginagamot niya ang maraming pasyente hindi lamang sa Dapitan kundi pati na rin sa mga kalapit nitong bayan. Siya rin ang matagumpay na nakapag-opera sa katarata ng kanyang ina. May isang beses na siya ay binayaran ng isang mayaman na estranghero ngunit ito ay di niya ginamit para sa kanyang sarili. Kundi para sa pagpapa-ilaw sa mga daanan.


Ang Buhay ay naging napakahirap para kay Rizal, pero ag kanyang kagustuhan na makatulong ay di niya itinuring na isang biro at siniguro niyang matatandaan ng mga Pilipino sa paglipas ng panahon. Ang kanyang nakatakdang kamatayan ay hindi nagig hadlang para sa kanyang naipundar at nagawa. At ito ang tumatak sa puso’t isip ng maraming Pilipino. Ang kanyang nakatayong rebulto ay ang Buhay na patunay sa kanyang pagmamahal sa bansa.

239 views0 comments

Recent Posts

See All

Ang Buhay ni Rizal sa Dapitan

-Escano Ang ating pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal ang isa sa mga nagsilbing inspirasyon para gawin natin an gating mga...

Mi Ultimo Adios

-Saira Cantal “Paalam na sintang lupang tinubuan bayang masagana sa init ng araw. Eden maligaya sa akin pumanaw at perlas ng dagat sa...

The Retraction

-Danica Escobar Ang isang bayani ay isang taong hinahangaan ng lakas ng loob at marangal na mga katangian. Ito ay isang taong handang...

Comments


bottom of page