top of page

The Retraction

Binurang Pahina

By: Melvin Gabriel


Sa pag sulat ng mga bawat titik at letra

Ibunubuhos ang lahat sa mga bawat pahina

Mga katagang binitawan ay damang dama

Pero madami parin ang sa kanya'y humuhusga

Bayaning inilahad ang kanyang mga turan

Para mamulat ang mga mata ng nasasakupan

Mga pahinang di mawawala kailanman

Lahat ng ito ay tumatak sa puso at isipan

Ang pagbura sa mga bawat pahina itinala

Biglang inakusahang nagkasala

Binawi lahat ng binitiwang kataga

Matang nakatitig tingin ay mga masasama

Pero mga tanong sa mga kaisipan

Ano nga ba ang dapat gawing basihan?

Para ituring kang bayani ng bayan

Sa gayung isinugal ng lahat para sa bayan

Bayani ka parin na maituturing

Sapagkat minulat mo ang mga mata namin

At ikaw ang dahilan sa pag laya ng inang bayan

Sa mga mananakop kami'y pinaglaban


Gamit ang mga pahinang itinala

Inang bayan iyong pinalaya

Ibibigay sayo ang mga papuri

Ikaw ay isang tunay na dakilang bayani




4 views0 comments

Recent Posts

See All

Opmerkingen


bottom of page