top of page

01

/ 06

SARANGGOLA

NI PEPE

page 03

Ala-ala

by: Alipappo


Ginunam-gunam ang mga guni guni

Sa pagsilang at pagmamahal ng isang bayani

Natapos ang hibik, muling bumangon ang bawat isa

Baya’y nagkaroon ng pagbabago at pag-asa.

Sa’yong pagtahak sa mga daluyong

Karunungan at larangan ang iyong sunong sunong

Pagkadalubhasa mo’y ginamit sa pakikipaglaban

Ni walang dugong dumanak sa kaninuman.

Sa bawat hagod ng iyong pluma

Pagmamahal sa baya’y ipinadama

Ipinahayag, inilantad walang pag aatubili

Damping paninikil ng mga naghari.

Isang bayani ng karunungan at paninindigan

Iyan ka kung ika’y maturingan

Tunay ngang kahanga-hangat tinitingala,

‘Sang katulad mong dalubhasa.


Recent Posts

See All
TAKDANG GAWAIN

Sa papalubog na araw ako’y napasilip ‘Novena ay papalapit na, Pepe’

 
 
 
Free Soul

He really learn well as a child and show it to the world.

 
 
 

Comments


bottom of page