TAKDANG GAWAIN
- Saranggola ni Pepe
- Jul 28, 2020
- 1 min read
by: Bukatkat
Sa umagang ako’y gigising
Dudungaw sa bintana dama ang simoy ng hangin
Ilang minuto pang titingin
‘Itong hardin ni tatay, talagang nakakahumaling’
Panibagong araw
Heto na naman sa ilalim ng sikat ng araw
Paniguradong likod ko’y puno na naman ng bungang araw
Paguwi ko’y sisigawan pang ako’y amoy araw
Tipikal na umaga para sa akin
Sa ilalim ng punong mangga, sa likod ng bahay naming
Sa kubong niyari, doon ako namamalagi
Presko at malalim dito, tamang-tama hindi ako hihikain
Takbo doon, takbo rito
Hagalakan doon, hagalpakan rito
May pagkendeng at pagikot pa hanggang sa mahilo
Tila hindi nababahala sa nararamdamang pagod ko
Saglit na napahinto at napaisip
Namangha sa nabasa kong sipi
Sa papalubog na araw ako’y napasilip
‘Novena ay papalapit na, Pepe’
Hapon na at uwian na
Bukas nga pala ay uwian na
Mga gawain ko ay nakalimutan na
Naku! Lagot na naman kay Mama
Comments