Panimula at kagalakan
- Saranggola ni Pepe
- Jul 28, 2020
- 1 min read
by: Salaginto




Sa paggising ng damdamin ng isang tao, mula sa kanyang pagkabatang marami nang napapansin. Mula sa pagtatanong kung ano, hanggan magkaroon na ito ng kapasidad na maintindihan ang bakit. Isa itong kagalakan sa mundo dahil may isang makikitaan ng potensyal maging isang ehemplo para tularan ng mga susunod na henerasyon ng kabataan. Ang kanyang maagang pagkamulat sa mundo at pagmamahal sa tamang kaalaman na siyang ring nagbigay sa atin ng pamana – hindi ang kalayaan dahil ito ay bunga ng silakbo ng damdamin ng mga pilipinong naiwan ng ating magiting na bayani, kundi ang pagmamahal sa rason, lohika, at kaalaman. Dahil hanggat mayroon tayong pagmamahal sa rason, lohika, at kaalaman, ay hindi tayo mabubuhay sa ilusyong mundo na ginawa ng nasa kapangyarihan.
Rizal valued education so much as for him it means freedom. And even at a young age he saw that education was the key for us Filipinos to lead our own country free from the colonizers.