top of page

01

/ 06

SARANGGOLA

NI PEPE

page 03

Basong Babasagin

by: Belalang


Naalala mo pa ba, ang iyong buhay pagkabata?

Mga panahong ika'y umiiyak at nadarapa?

Minsan ba'y gusto mo na lang balikan

Ang mga kwentong hanggang alaala nalang?


Tulad ko'y si Rizal ay dumaan din sa pagiging munting paslit

Subalit, bakit parang kakaiba?

Kakaiba ang kanyang munting katangian kumpara sa akin

Sapagkat kahanga-hanga ang angking galing


Di makakailang siya ay pinagpala

Dahil sa murang edad, ipinamalas ang abilidad

Hindi lang sa isa o dalawang larangan

Sapagkat hindi mabilang sa daliri ang kakayahan


Sa kabila ng maningning na katauhan

Hindi pa rin maitatago ang kahinaan

Bata lang din at sakit ay nararanasan

Kaya kung susumahin ay parang basong babasagin


Pag-aaruga ng magulang ay umaapaw

Pagmamahal ay hindi magkamayaw

Dahil si Rizal ay parang ginto

Kumikinang sa magulong mundo

Recent Posts

See All
Ala-ala

Ipinahayag, inilantad walang pag aatubili Damping paninikil ng mga naghari.

 
 
 
TAKDANG GAWAIN

Sa papalubog na araw ako’y napasilip ‘Novena ay papalapit na, Pepe’

 
 
 

3 hozzászólás


Kayla Noele Marquez
Kayla Noele Marquez
2020. júl. 27.

Days when we were young, a beautiful and colorful tale of our lives.

Kedvelés

Patricia Balajadia
Patricia Balajadia
2020. júl. 26.

childhood days is the most fun and memorable. Children are very fragile and free from filth of worldly life. Parents are their protector and the one who shapes one's future so that a child shine trough.

Kedvelés

Katherine Mae Espeleta
Katherine Mae Espeleta
2020. júl. 26.

Sending lots of love and admiration for little Rizal/Pepe ❤️

Kedvelés
bottom of page