top of page

01

/ 06

SARANGGOLA

NI PEPE

page 03

"De verdad eres un gran RIZAL"

by: Tipaklong


Sa lingas ng apoy sa munting lampara

Habang umiikot ang mga munting gamo gamo na nakikita ng iyong mga mata

Hinubog at minulat ang iyong munting isipan ng mahal mong ina

Na siyang naging simula ng paggawa mo ng nobela bilang natatanging pantuligsa.



Tunay na nakakahalina ang kwento ng iyong pagkabata

Nagpamulat sa mga aral na nararapat ituro sa madla

Nakakahanga ang paggamit mo ng pluma bilang pangunahing sandata

At ang mga aral na itinuro ng mahal mong ina


Namulat at nagsimula ang iyong kabataan sa magandang hardin ng tahanan

Ang lugar na naging simula ng pagtakbo ng buhay mo bilang huwaran

Ang saksi sa iyong mga munting kasiyahan

At ang lugar na unang nakarinig sa iyong mga hinaing, hagikhik at kalungkutankalungkutan


Biniyayaan ka ng pamilyang may ibang taglay na kabutihan

Mga taong tunay at tapat na naglilingkod sa simbahan

Ang lugar kung saan "Ute" ang sa iyo'y bansagan

At ang nagsilbing buhangin na bumuo sa matibay niyong samahan at sandigan.


Ikaw ang nagpapatunay ng halaga ng pagiging huwarang kabataan

Bitbit ang pangaral ng mga nakatatanda mong kapatid, ika'y nakipagsapalaran

Sa murang edad ay biniyayaan ng isip na natatangi sa karamihan

Tunay na ang talino at kagandahang asal ay ikaw ang nilalarawan


Larawan ang isang batang Rizal ng katapangan at karunungan

Isang natatanging indibidwal na may kakaibang pagmamahal sa kanyang Inang Bayan

Ang persona niya na hinahangaan ng karamihan

Ay tunay na dapat tularan ng mga makabagong kabataan


Ang inosente mong isipan ay nabahiran ng karahasan

Maagang namulat sa paglaban sa kasarimlan

Baon ang pangaral at paalala ng mahal mong mga magulang

Ika'y hindi nawalan ng pag-asa at piniling sa Diyos maglingkod at manalang


Kakaiba ang pagmamahal na iyong ibinigay sa iyong mahal na bayan

Isang tula ang inalay sa Calamba kung saan ang iyong tahanan

Ginabayan ng mga mahal mong tiyuhin na iyong pinagkatiwalaan

Dahilan ng paghubog ng iba't ibang talento at kakaiba mong katangian


Pagguhit at pagpipinta ay talagang kabida bida

Ang pagiging malapit mo sa Diyos ay sadyang kahali halina

Sabayan pa ng talino na sadyang kahanga hanga

Di maipagkakaila na tunay na huwaran ang kabataan mo o Mahal naming Ibarra


Ikaw man ay tila nalalayo ang loob sa iba

Isang taong mas pinipiling mapag-isa

Kasama ang papel at kanyang pluma

Unti unti mong binuhay ang banyagang literatura


Kahanga hanga ang ipinamalas ng kabataang Rizal

Tunay na nagpamulat sa madaming kagandahang asal

Na ngayon ay bitbit at sandata ng sandaigdigan

Patungo sa kaayusan at hinahangad na kasarinlankasarinlan

MABUHAY! De verdad eres un gran RIZAL


Recent Posts

See All
Ala-ala

Ipinahayag, inilantad walang pag aatubili Damping paninikil ng mga naghari.

 
 
 
TAKDANG GAWAIN

Sa papalubog na araw ako’y napasilip ‘Novena ay papalapit na, Pepe’

 
 
 

Comments


bottom of page