Paraan ang Sandata, Sa Kaalaman
- Saranggola ni Pepe
- Jul 26, 2020
- 1 min read
by: Yayay
Isang bata na hangad lahat ay malaman
Lahat ng may buhay sa mundong kinagisnan
Mga katanungan na bumabadya sa isipan
Maliit mang nilalang, binibigyang kahulugan
Masasakit na salita sa kaniya’y ipinipintas,
Sapagkat siya’y di gumagamit ng dahas
Nais nya’y mausisa mga bagay gamit ang talas
Ng isipan na sa kaniya’y pinagkaloob ng nasa itaas
Ang ina ang siyang tumugon sa mga katanungan,
Na nagturo sa kanya at nagbigay ng kaalaman
Ngunit may mga bagay na sa kaniyang sinusuway
Sapagkat lahat ng bagay gusto niyang masubukan.
Tulad ng ibang kabataan, umuuwing may dungis ang katawan
Paghahanap ng kaalaman, maging sa kagubatan
Tulad niya na sumusubok kahit pinagbabawal,
Sapagkat kagustuhan malaman, gumagawa ng paraan
Bilang isang ako, may bagay na sa kanya’y may natutunan
Ako na may mga gustuhing bagay na nais ding malaman
walang mali sa pagsubok gamit ang sariling isipan
sapagkat may bagay na madali malaman kung ito ay susubukan
Marahil mali man o kontra sa isipan ng iba
mahalaga’y sa bawat gagawin ay may matututunan ka
na siyang maiiaambag mo sa iyong kaisipan
at sa iba ay makadadagdag din ng kaalaman.
I agree that the Life and works of Rizal does have to be studied because we learn may things from him.
Experience is really the best teacher!